Watch! Death Squad Of A Chinese Syndicate, Now Operating In The Philippines?

44
0
SHARE

Arestado ang ilang miyembro ng death squad ng isang kilabot na sindikatong intsik. Ang kinabibilangan nilang sindikato ay nag su-supply ng droga sa mga high-end bar sa Binondo area. Nakuha sa mga Tsino ang ilang shabu nang masakote ang mga ito.

“They are being ordered by their big boss to liquidate or to torture Chinese Nationals who don’t pay the stuff and they brought this individual somewhere in Pampanga” sabi ni Joel Tovera ng NBI

——————————————————————————————————

Matalino na rin ang mga iskalawags ngayon, pinagmukhang bodega ng itlog at bigas ang bahay niya, para kunwari poultry shop ang kanyang tahanan sa Las Pinas. Ngunit, hindi ito nakalagpas sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI). Nakuha sa bahay ni Senior Police Officer 1 Jomer Andador ang mga baril, granada at pake-pakete ng iligal na droga. Kasama rin sa hinuli ang pinsan ni Andador. Ayon sa mga otoridad, si Andador ay isang “ninja cop” o pulis na nagre-recyle ng mga nakumpiskang shabu.

“Nagbibigay ng trabaho dito sa SPD, after the operation, siguro intentionally, hindi nila nire-report lahat ng kanilang nako-confiscate.” sabi ni Manuel Eduarte ng NBI.

I-imbestigahan na rin ang ilang miyembro ng Southern Police District at titignan kung konektado ang mga ito sa operasyon ni Andador.

“We submitted the electronic gadget, the cellphone for forensic examination. They should determine the extent ng kanilang operation, pati yung kanilang connections.” Ferdinand Lavin, Spokeperson ng NBI.

Loading...